top of page
wedding.png

REQUIREMENTS FOR MARRIAGE

1. Baptismal Certificate (new copy) for Marriage Purpose (6 mos. validity

​

2. Confirmation Certificate (new copy) for Marriage Purpose (6 mos. validity)

​

3. Permit kung hindi sakop ng parokya ang lugar na tinitirhan ng mga ikakasal.

​

4. CENOMAR "Certificate of Non-Marriage Record" (groom & bride) for PSA.

​

5. MARRIAGE LICENSE from LCR, or if CIVILLY MARRIED marriage contract from NSO. 

 

​

MGA DAGDAG NA ALITUNTUNIN

​

I. MGA NINONG AT NINANG

  • Sapat na ang dalawang tao upang tumayong saksi sa kasalan.

  • Mga ganap na Kristiyano (Binyagang Katoliko)

  • Makatutugon sa pananagutang maging gabay ng mga inaanak sa kasal.

  • Kahit ilan ang sponsors (excess ng 2 pairs)

​

II. MGA ABAY AT IBA PANG TAGA-GANAP

  • Magkaroon ng wastong bilang ng mga abay (Bestman, Maid of Honor, Candle, Veil, Cord Sponsors, 3 batang lalaki at 3 batang babae)

  • Mga ganap na mga Kristiyano.

  • Marunong magbigay-galang sa Simbahan.

  • Nasa wastong gulang ang mga batang abay (7 years old pataas)

​

NOTE: Ang Little Groom at Little Bride ay hindi kasali sa hanay ng mga Abay. Ang Bestman, Maid of Honor, Candle, Veil, Cord Sponsors ay mayroong seminar.

​

​

WASTONG PANANAMIT​

​

  Iakma ang pananamit sa ganitong Banal na Lugar. Isaalang-alang ang wastong yaring damit. Gumamit ng SHAWL o PANGBALABAL kung ang yari ng inyong hindi akma para sa Banal na Lugar (Ex. Tube, Spaghetti, Hatler, Backless, Venus Cut, Sleeveless, Off Shoulder Ref. Circular # 2006-02)

​

​

MGA AWITIN

​

     Hindi ipinapahintulot ang pag-awit ng mga LOVE SONGS/INSPIRATIONAL SONGS. Mga RELIGIOUS SONGS lamang ang maaari at dapat na akma sa panahon ng Kalendaryo o Liturhiko ng Simbahan ang mga aawitin.

​

  • Shower ng petals o confetti ay ipinagbabawal.

  • Kung may wedding coordinator, kung maaari ay sa reception na lamang kasi sa simbahan may mag-guide naman mula sa umpisa hanggang sa huli.

  • Kung may sariling bulaklak sa kasal, makipag-ugnayan sa opisina ng parokya.

  • Para sa mga ikakasal at sa lahat ng gaganap, dumating sa simbahan tatlumpung minuto (30 mins.) bago ang takdang oras para sa paghahanda at pagsasaayos.

SIGN UP FOR ALL UPDATES,

POSTS & NEWS

  • Grey Instagram Icon
  • Grey Facebook Icon
  • Grey Pinterest Icon
  • Grey Twitter Icon
  • Grey YouTube Icon

© 2018 St. Thomas Aquinas Parish. Proudly created with Wix.com

bottom of page