top of page

Kabanata 2: T. 11. Ang Diyos ba ang makapangyarihan sa lahat?

Writer's picture: angkang_tomasinoangkang_tomasino

Ang Diyos ay makapangayarihan sa lahat sapagkat maaari Niyang gawin ang lahat na mabuti at hindi magkasalungat. Kaya ang Diyos ay hindi maaaring magkasala, sapagkat hindi Niya maaaring labagin ang Kanyang kabutihang walang hanggan. Hindi Niya maaaring gawin ang alinmang magkasalungat na nagsasabing ang isang bagay ay kapwa maaari at hindi maaari.


Banal na Kasulatan

Tinitigan sila ni Jesus at sinabi, "Hindi ito magagawa ng tao, ngunit magagawa ng Diyos ang lahat ng bagay." - Mateo 19:26

Katesismo para sa mga Pilipinong Katoliko

294. Sa tuwing ipinapahayag natin sa Kredo ang katotohanan na ang Diyos ay Ama at Makapangyarihan, itinatalaga natin ang ating mga sarili sa isang natatanging pananaw at estilo ng pamumuhay. Ang paninindigang ang Diyos ang ating Makapangyarihang Ama ang nagbibigay ng saligan hindi lamang sa lahat ng kahulugan sa buhay, kundi maging para sa ating moral na pagkilos at pag-uugali, at sa ating kabuuang buhay-panalangin. Ipinapahayag ang Diyos bilang batayan para sa lahat ng ating mga itinatanging pagpapahalaga; kung paano natin nais, mag-isip at kumilos, maging at manalangin.


Panalanging Buod

O Amang walang-hanggan, Ikaw ang makapangyarihan sa lahat, abot Mo ang dulo't dulo ng sansinukob, at ang lahat ng bagay sa Iyong bisig na makapangyarihan. Sa Iyo, ang panahon ay paglalahad ng katotohanan sa kasalukuyan at ang paghahayag ng kagandahan sa hinaharap.

Patnubayan Mo kami sa Iyong karunungan, ituwid ang aming buhay sa Iyong katarungan, paginhawahin kami sa Iyong awa, at ipagsanggalang sa Iyong lakas, sa pamamagitan ni Jesu-Kristong aming Panginoon. Amen.

813 views1 comment

Recent Posts

See All

1 Comment


Khristina Añonuevo Ugali
Khristina Añonuevo Ugali
Feb 15, 2022

Yes! siya ang Diyos at sumasaatin lahat ! Sapagkat siya ang Diyos ng pagibig. Amen!❤

Like

SIGN UP FOR ALL UPDATES,

POSTS & NEWS

  • Grey Instagram Icon
  • Grey Facebook Icon
  • Grey Pinterest Icon
  • Grey Twitter Icon
  • Grey YouTube Icon

© 2018 St. Thomas Aquinas Parish. Proudly created with Wix.com

bottom of page