
Katesismo para sa mga Pilipinong Katoliko
343. Tayong mga Pilipinong Kristiyano ay may malalim na pagtitiwala sa kagandahang-loob ng Diyos na nakababatid ng lahat at mapagmahal. Dahil Siya ang Manlilikha na "ang ulap sa kalangitan ay Siya ang naglatag, masaganang ulan naman ang sa lupa'y bumabagsak; at ang damo'y binubuhay sa bundok at mga gubat" (Salmo 147:8). Sa pamamagitan ng Kanyang Kagandahang-loob iniingatan ng Diyos at pinamamahalaan ang lahat ng bagay na Kanyang nilikha. "Ang lakas niya'y abot sa lahat ng sulok ng daigdig. At maayos na pinamamahalaan ang lahat ng bagay" (Kar 8:1. Tingnan CCC, 302). Dahil "walang makapagtatago sa Diyos; ang lahat ay hayag at lantad sa kanyang paningin, at sa kanya tayo magsusulit".(Heb 4:13).Kabilang na rito maging ang "mga bagay na hindi pa naabubuhay sa oamamagitan ng malayang pagkilos ng mga nilalang" (Vaticano I; ND, 413).
Panalanging Buod
O Diyos ko, sumsampalataya kaming Ikaw ay walang hanggan, sapagkat Ikaw ay laging umiiral, kahapon, ngayon at magpakailanman.
Sumasampalataya kaming nalalaman Mo ang lahat, sapagkat nalalaman Mo ang nakaraan, ang kasalukuyan at ang lahat ng mangyayari o maaaring mangyari. Turuan Mo kaming maunawaan na ang daigdig na ito ay lumipas, na ang tunay naming kinabukasan ay ang kaligayahan ng Langit, na ag buhay sa lupa ay maikli, at ang buhay sa kabila ay walang hanggan. Tulungan Mo kaming sumunod ka Kristo nang buong pag-ibig upang matamo ang walang-hanggang buhay sa piling Mo. Amen.
Komentarze