top of page

Kabanata 1: T. 1. Sino ang Diyos?

Writer's picture: angkang_tomasinoangkang_tomasino

Updated: Oct 30, 2018



Ang Diyos ang Kataas-taasan. Ang salitang kataas-taasan ay nangangahulugan nang higit sa lahat ng bagay. Ang Diyos ang pinagmulan ng lahat. Higit Siya sa lahat ng umiiral.

Banal na Kasulatan

Ang Diyos na gumawa ng sanlibutan at ang lahat ng naroroon ang siyang Panginoon ng langit at lupa, kaya't hindi siya tumatahan sa mga templong ginawa ng tao. Hindi sa siya'y nangangailangan ng anuman kaya siya pinaglilingkuran ng tao; sapagkat siya ang nagbibigay ng buhay, hininga at ng lahat ng bagay sa sangkatauhan. (Gawa 17:24-25)

Katesismo para sa mga Pilipinong Katoliko


Ano ang ibig ipakahulugan sa "ang Diyos ay ang Maylikha ng langit at lupa"?

Ang "lumikha" ay nangangahulugan ng paglalagay at pagpapanatili sa pag-iral nito. Ang Diyos ay Manlilikha dahil siya ang naglalagay at nangangalaga sa lahat ng umiiral. Siya ang tagagawa at huling hantungan ng bawat bagay na nabubuhay, lahat ng bagay na nakikita at di-nakikita.

103 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


SIGN UP FOR ALL UPDATES,

POSTS & NEWS

  • Grey Instagram Icon
  • Grey Facebook Icon
  • Grey Pinterest Icon
  • Grey Twitter Icon
  • Grey YouTube Icon

© 2018 St. Thomas Aquinas Parish. Proudly created with Wix.com

bottom of page