top of page

HELP BUILD OUR PARISH HOME

Writer's picture: angkang_tomasinoangkang_tomasino

Inaanyayahan tayong Angkang Tomasino na tumulong at makibahagi sa pagtatayo at pagtataguyod ng Bahay-Pari o Parish Rectory ng ating parokya St. Thomas Aquinas Parish. Ito ay isang magandang paraan at kapuri-puring pagpapahayag ng ating pagmamahal, pagmamalasakit, pasasalamat at pagkilala sa ating mga pari, sa kanilang pagkatao, kabutihan, pagsisikap at pagtitiyaga na tayo ay mapabuti at mailapit sa Panginoong Diyos. Halina at ating pagtulungang itayo ang Bahay-Pari ng Santo Tomas de Aquino at ating siguruhin ang mabuting kalalagayan ng lahat ng mga paring pastol at lingkod natin.

Sa itatayo at pagyayabunging Bahay-Pari sa ating Parokya ng Santo Tomas de Aquino ang mga paring naglilingkod sa atin at maglilingkod pa sa kasalukuyan ay mabibigyan na natin ng maganda at maaliwalas na lugar, ibayong tulong, mabuting pangangalaga at wastong pagkalinga. Ito ay nararapat lamang nating gawin at ipagkaloob sa kanila bilang tanda ng ating pagkilala at pasasalamat sa taos puso nilang pagbabahagi at pagbibigay ng sarili sa ating lahat bilang Simbahan.

"The things that we LOVE tell us what we are." -St. Thomas Aquinas

7 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


SIGN UP FOR ALL UPDATES,

POSTS & NEWS

  • Grey Instagram Icon
  • Grey Facebook Icon
  • Grey Pinterest Icon
  • Grey Twitter Icon
  • Grey YouTube Icon

© 2018 St. Thomas Aquinas Parish. Proudly created with Wix.com

bottom of page