
Sa darating pong ika-28 ng Enero, 2019 ay muli nating ipagdiriwang ang kapistahan ng ating minamahal na Patron, si Sto. Tomas de Aquino. Ang atin pong aalalahanin sa araw na iyon ay ang pagliipat ng kanyang katawan mula sa Italia patungong Francia upang doon ilagak nang palagian. Ang kapistahan pong ito ay tinatawag na TRASLACION, katulad po ng tawag natin sa prusisyon ng Jesus Nazareno ng Quiapo. Ang kapistahan pong ito ni Sto. Tomas ay paghahandaan natin sa pamamagitan ng nobenaryo ng mga panalangin sa ika-5:30 nang hapon at pagdiriwang ng Banal na MIsa sa ika-6:00 nang hapon mula ika-19 hanggang ika-27 ng Enero, maliban po kung araw ng Linggo na ang mga panalangin ay sa ika-4:00 nang hapon at ang Banal na Misa sa ika-4:30 nang hapon. Inaanyayahan po ang lahat sa pagpaparangal sa ating minamahal na Patron sa nobenaryo at lalo't higit sa kanyang kapistahan.
Comments