
Mayroon pong paggagawad ng Sakramento ng Kumpil sa ika-2 at ika-23 ng Pebrero, 2019. Ang mga magpapakumpil sa ika-2 ng Pebrero ay dapat dumalo sa seminar sa ika-27 ng Enero, sa ganap na ika-1 nang hapon sa ating Parish Hall bilang paghahanda sa pagtanggap ng nasabing sakramento. Ang mga magpapakumpil sa ika-23 ng Pebrero ay dapat dumalo sa seminar sa alin man sa mga sumusunod na araw: ika-3, ika-10, at ika-17 ng Pebrero sa ganap na ika-1 nang hapon sa Parish Hall. Kinakailangan po ang "baptismal certificate" ang mga kukumpilan. Mangyari pong makipag-alam sa mga katekista, sa mga pangulo ng BLC o kaya'y sa opisina ng ating parokya para sa iba pang mga detalye.
Commenti