
Dapat magkaroon ng Diyos sapagkat walang nangyayari sa sansinukob kung walang isang karunung-runungang gumawa. Noong pinag-aralan ng mga dalubhasa kung paanong umunlad ang daigdig, dumating sila sa punto na kailangan nilang itanong, "Sino ang nagpasimula ng lahat?".
Dapat magkaroon ng isa, na hindi nilikha ninuman, at walang simula. Siya ang Diyos.
Banal na Kasulatan
Mula pa nang likhain niya ang sanlibutan, ang kalikasang di nakikita, ang kanyang walang hanggang kapangyarihan at pagka-Diyos ay maliwanag na inihahayag ng mga bagay na ginawa niya. Kaya't wala na silang maidadahilan.
- Roma 1:20
Katesismo para sa mga Pilipinong Katoliko
310. Lahat tayo'y nagtatanong paminsan-minsan: "Saan ba nagmumula ang lahat?" Ang tugon ng Salmista: "Sa utos ng Panginoon, nalikha ang langit, ang araw, ang bawat talang maririkit ang buong daigdig sa kanyang salita ay pawang nayari, lumitaw na bigla" <i>(Salmo 33:6,9).
Naitatanong natin: "Ano ang layunin ng lahat ng ito? Ano ang kahulugan ng ating buhay, at ang kamatayan?" (Tingnan CCC, 282) Kinakatigan ng doktrinang Kristiyano na "ang pinakaganap na tugon sa mga katanungang ito ay matatagpuan lamang sa Diyos, na lumikha sa atin ayon sa Kanyang larawan... at ang tugong ito ay nalahad sa pagpapahayag ni Kristong Kanyang Anak na naging kaisa natin." (GS, 41)
Panalanging Buod
Mapagmahal na Ama, sinasamba ka namin bilang aming unang pinagmulan. Pinananabikan Ka namin bilang amng hantungan, pinupuri Ka namin bilang tagasaklolo namin sa tuwina, at dumudulog kami sa Iyo bilang mapagmahal naming tagapagtanggol, sa pamamagitan ng Jesi-Kristong aming Panginoon, kaisa ng Espiritu Santo. Amen
Comments