Walang-hanngan ang kaganapan ng Diyos sapagkat walang anumang hangganan na matatagpuan sa Kanya. Ang Diyos ay walang-hanggang ganap na espiritu, walang simula o wakas. Siya'y kumikilala at umiibig nang walang hangganan.

Ang mga anghel at mga tao ay ang nilikhang espirituwal din subalit dahil siya'y nilikha lamang, sila'y may hangganan o katapusan. Kaya nga, ang kanilang pagiging ganap ay may hangganan.
Ang mga anghel ay pawang espiritu, ibig sabihi'y walang katawan. Ang mga tao'y kapwa espirituwal at materyal. Mayroon silang mga katawang materyal at mga kaluluwang espirituwal. Dahil sila'y espirituwal, ang mga anghel at mga tao ay may isipan at kalooban. Sila'y nakakikilala at nakaiibig, subalit may hangganan. Ang Diyos lamang ang walang hanggan. Siya ang walang-hanggang ganap na Espiritu.
Banal na Kasulatan
Sa paraan ng Diyos walang maipintas. Pangako ni Yahweh ay pangakong tapat, sa napakukupkuop, siya ay kalasag.
2 Samuel 22:31
Panalanging Buod ng Kabanata
O Diyos ko, sumsampalataya kami na Ikaw ang walang-hanggang ganap na Espiritu. Ikaw ay nakakikilala at nakaiibig. Ang kaalaman Mo at pag-ibig ay walang-hanggan. Panginoon, kami'y sumasampalataya sa Iyo, palakasin Mo ang aming pananampalataya. Nagtitiwala kami sa Iyo; patibayin Mo ang aming pagtitiwala.
Makapangyarihag Diyos, patatagin Mo ang aming kalooban sa paggawa ng mabuti upang salubungin naming may pananabik si Kristo sa aming mga puso at kami'y Kanyang tawagin sa Kanyang tabi sa Kaharian ng Langit. Hinihiling namin ito sa pamamagitan din ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Comments