Ang Diyos ay walang-hanggang kabutihan. Ang Kanyang kabutihan. Ang Kanyang kabutihan ay walang hangganan, tulad ng lahat ng Kanyang mga kaganapan.

Banal na Kasulatan
Sumagot is Jesus, "Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Walang mabuti kundi ang Diyos." - -Lucas 18:19
Siya ang bato, manlilikha. Walang kapintasan ang lahat niyang gawa, matuwid ang lahat niyang kilos. Siya ay tapat, walang pagkukulang, makatarungan at matuwid. Deuteronomio 32:4
Konsilyo Vaticano II
Ang Diyos, sa kanyangdakila at mahabaging kabutihan, ay kusa tayong nilikha. Higit pa rito, tayo ay magiliw niyang tinatawag na makiisa sa kanyang buhay at kaluwalhatian. Masagana niya ibinubuhos at walang tigil na ibinubuhos ang kanyang banal na kabutihan. Missionary Activity, 2
Panalanging Buod
O Diyos ko, kami ay sumasampalataya na Ikaw ay sukdulang ganap at mabuti. Ang mga biyayang walang sukat ay nagmumula sa Iyong kagandahang-loob upang dulutan kami ng Iyong kapayapaan.
Ang aming buhay ay Iyong kaloob. Patnubayan Mo kami sa aming paglalakbay sapagkat tanging ang Iyong pag-ibig ang nagpapaganap sa amin. Panatilihin Mo kaming matatag sa Iyong pag-ibig.
Mula sa Iyong kagandahang-loob ay tinanggap namin ang lahat ng biyaya. Patnubayan Mo kami sa araw-araw naming pagsisikap. Nawa ang pabago-bagong takbo ng aming mga puso at mga hangganan ng aming kahinaan ay huwag makabulag sa aming pag-asa sa Iyo, na bukal ng lahat ng kabutihan magpakailanman. Amen.
Commentaires